Total Pageviews

Wednesday, May 30, 2012

My girls

Ang bilis talaga ng panahon, parang kelan lang mga babies pa sila. Wala pahinga sa pagpapadede almost every two hours kailangan ready palagi. Halos wala sleep maswerte na Kung may four hours na tulog ako.

Mga babies pa din naman sila para sakin except ngayon may kachika na ko..hihihi.. May kasama na din ako sa galaan kahit medyo mahirap pero super happy naman lalo na maririnig mo halakhak nila habang nasa galaan.

Ubos lakas nga lang pag nasa galaan, kahit na nga sa mall Lang eh. Grabe pagkahyper ng mga anak ko kahit siguro yaya susuko. Takbo dito takbo doon, para akong asong ulol na habol ng habol hahahahha. Minsan nga naisip ko magdala ng recorder para one click Lang maririnig na nila gusto ko sabihin ng di ako nagsasalita. Kasi naman nakakasakit din ng lalamunan. Kaloka talaga ang mga batang ito pero di bale mga anak masaya naman si mommy na gawin ang mga ito basta ba good girl Lang kayo palagi.

No comments:

Post a Comment