Total Pageviews

Wednesday, May 30, 2012

Mommy and Nicole

Medyo nahirapan noong una mag adjust ang eldest ko na si Nicole ng magkaroon na sya ng baby sister. Sweet at mabait na bata si Nicole. As in super bait. Noong baby pa sya kahit San mo dalhin yan wala yang tantrums. Basta pag sinabi mo sit Lang sya sa stroller nya yun ang gagawin nya. Kahit maghapon kayo sa galaan relax Lang sya kasama, ang sarap nga eh.

Nang magkaroon na sya ng baby sister medyo nagbago na sya. Naging bugnutin na ang bagets, lahat ayaw na nya. Madalas din mag tantrums kahit na super liit na bagay Lang. Understandable naman yun, eh kasi naman matagal sya before nasundan. Before lahat ng atensyon sa kanya lang, ngayon syempre may mga pasaway na kapatid na sya. Sa katagalan nasanay na din siguro ang bagets. Ayun naman at super close sila ng mga kapatid Nya at super sweet din sya Kay mommy.

Sweet mode ng aking dalaga. Pagbigyan na at bihira lng yan may mood magpapicture.

No comments:

Post a Comment