Total Pageviews

Thursday, March 22, 2012

Earthquake....earthquake...

Palagi na lang nagkakaearthquake, pero kahit na madalas sya di ko pa din makuhang masanay. Hello!!! mukhang di ata pwede na masanay sa ganun. Simula ng dito na ko tumira sa Taiwan naging parte na ng buhay ko ang lindol. Paano ba naman parang Japan lng dahil sa dalas. Nung first year ko dito Diyos ko nagkakalindol talaga ng malakas, mga 5.5 ang intensity. Mga one week siguro ako hilong-hilo at bangag, at talagang abot-abot langit ang nerbyos ko. Tapos may baby pa ko that time, everytime na mafeel ko na parang lumilindol kinakarga ko agad ang anak ko. Nakakapraning talaga sya. Masakit at mabigat sa dibdib ang pakiramdam after ng lindol, parang di ako makahinga. Di naman siguro ako eksaherado pero ganun talaga.

Over the years medyo nakasanayan ko na din.Take note ha.. Medyo..andyan pa din ang takot pero mas nangingibabaw ang paging alert ko. Dapat di ka magpanic, yan ang isa sa mga natutunan ko. Madami ang magsasabi na impossible na di ka magpanic, pero ganun talaga dapat. Dapat handa ka kung ano ang procedure na gagawin mo pag bigla ngang lumindol. Pero gaya nga ng sabi nila minsan kahit gaano ka kahanda nangyayari pa din ang hindi inaasahan.

Ako naman natatakot kasi iniisip ko kung pano ko kakargahin ang mga anak ko. Wala problema sa eldest ko kasi malaki na sya pwede na tumakbo ng sarili nya kung talagang kinakailangan, wag lang mataon na tulog sya dahil diyos ko pagkahirap gisingin. Ang problema ko ang dalawang maliliit ko pang anak. Pag nasa work si hubby mas doble ang pagkapraning ko. Kung mataon na lumindol at wala si hubby at nasa school ang panganay ko kinakarga ko agad mga anak ko at stay lang kami malapit sa main door para kung lumakas talaga ng tuloy- tuloy takbo na kami agad sa lobby.

Pinagpapasalamat ko naman sa Diyos na sa tuwing may malakas na lindol andito naman si hubby kasama namin.
Takbo talaga agad sa lobby. Habang tumatakbo kami pababa maririnig mo naman ang mga nasa higher floors na nagsisigawan sa takot. No choice naman kasi kundi to stay inside their unit. Natanong ko nga minsan yung nakatira sa 20th floor kung pano pag lumindol, ayun para daw sila dinuduyan.

Ako nga minsan nanonood lng ng tv habang nakaupo sa floor at nakasandal sa sofa ng naramdaman ko na gumalaw palayo ang sinasandalan kung sofa. Tingin ako agad sa chandelier namin, pag umuga din sya lumindol nga. Minsan naman nagbabasa kami ng husband ko ng makarinig kami ng parang paparating na kabayo.Ang lakas ng dagundong.. Diyos ko ilang segundo pa at lumindol na. One day naman, nagyaya si hubby na lumabas kami para mag merienda, parang balisa daw kasi sya. Nung nasa restaurant na kami and waiting sa aming order ayan na ang lakas ng lindol. Yung mga dingding ng resto parang babagsak na. Pati mga nakadisplay nagbagsakan na din. As in to the max talaga ang na experience namin. Dali- dali kami lumabas since malapit lang naman kami sa main door and takbo sa open space. Di na muna kami umuwi ng bahay kasi sa experience namin pag ganun kalakas may mga kasunod pa. True nga, nag start ang lindol ng 3pm until 9pm meron pa.

Hay, nakakatakot talaga... Pero ganun eh. Palagi lng tayo maging handa at manalangin sa Diyos na gabayan tayo.


No comments:

Post a Comment