Total Pageviews

Monday, December 19, 2011

Fitflop

Katulad ng Longchamp eto pa ang isa sa mga bagay na tingin ko ay hindi din worth bilhin...neng 2500 pesos ata ang pinaka cheapest nito..for a sleeper eh tingin ko uber mahal sya.

Pero dahil ang aking konsensya(hubby) ay makulit ayan nadali na nman ako. Natangay na naman Nya ako sa mall..ano pa ang kasunod eh di eto..


My very own fitflop pietra. Pero ang pagbili naman nito ay may istorya. Habang kami ay lakad ng lakad sa mall unti unti na sumasakit ang mga binti ko. As in di na kinaya ng shoes ko. Mega dedma and in denial na di talaga masakit ang mga legs ko para di ako bilhan ng konsensya ko nito. Pero ng ang balakang ko na ang sumakit..madalas sya sumakit this past few months eh wala na sumuko na talaga ako. Ayaw ko na lumakad. Habang ako eh nagpapahinga ang konsensya ko naman ay ang Ganda ng ngiti....meaning- darling bumili ka na kasi^________^ ganyan ang smile nya. Naku wala na pakeme, lintik iba na pakiramdam ko sa sakit ng balakang at binti ko.

Nung first few days ko sya na gamit feeling ko ay wala kwenta. Mga ilang days din kasi na masakit pa din ang mga binti ko after gamitin. Para akong first time na nag exercise pero after mga 3 days wala na..ok na ok na...bongga talaga sya. Masarap na maglakad. Sana lang may flat shoes sila na style noh. Para naman for all occasions di ba. Jologs naman king lahat ng attire ko naka fitflop ako...hahhaha..joke lng.

Ngayon para na din syang si longchamp ko..kung baga sa face... Haggard na. Pero again, super sulit for me toh..kahit gumala maghapon walang reklamo. I super luv it!!!!

Longchamp

Sino ba naman ang wala ng bag na to. Kahit san ka lumingon sigurado..spotted.Adik ang mga girls dito. Original man o fake carry na. No offense sa mga nagmamay-ari ng ganitong bag ha pero di ko lng sya type. Feeling ko...feeling ko LNG naman ha..eh d sya worth for the price. Pero eto kasing makulit Kung asawa eh walang tigil ang pangungulit sa akin na bumili nito. Uso din kasi sya dito sa Taiwan. Sa sobrang paulit ulit na pangungulit nya dahil ok daw to sken dahil lightweight eh bumigay na ko. Go na kami sa mall para bumili,di ko pa din feel pero sige pikit mata ko na tinanggap.. Aba syempre bigay na ng hubby ko kaya go na go na..hahaha.

Tada...eto na sya...


Ang aking medium size long handle taupe color longchamp^____^.

Mabuti na lang at kinulit kulit ako ng asawa ko na bumili ako nito. Dahil di mo nga pagsisisihan. Super lightweight sya.. Low maintenance ..pang harabas Kung baga pero maganda pa din ang dating. Wag mo na isipin ang presyo. Isipin mo na Lang na mapapahinga ang balikat mo kahit rumampa ka ng maghapon. Super useful to sa akin. Kasi palagi ko na LNG dala dala ang buong bahay namin tuwing umaalis. Ikaw ba naman ang may bitbit na tatlong bata palagi.. Ewan ko na lng. Pero baka isipin nyo kasya na lahat dyan ha di naman kalahati lang..hahaha.

Ngayon ayaw ko na magpalit ng bag super love ko na sya..as in..promise. Good bye muna sa leather bags na fav ko bitbitin before. Pag malalaki na ang nga chikitings ko pwede ko na ulit kayo irampa pero ngayon...^i love you Longchamp^ muna ang drama ko.

I'm back...again^__^

Super tagal na pala ng last Kung post.Super duper ever busy kasi, ni di ko na natapos ipost ang aming taiwan roadtrip. Sayang dami pa naman kwento about dun sana.Di na din me nakakapagpost ng mandarin word of the day ko...Hayyyy..sana magtuloy tuloy na me ulit sa pag update ng blog na Ito.Oh sya babu muna ulit.hihihi